Friday, March 6, 2009

MAY MAGANDA DING NAGAGAWA :3

Ha?

Nape-pressure kami sa panibagong project sa PHILGOV - ang gumawa ng isang bulletin para sa celebration ng INTERNATIONAL WOMEN'S MONTH. Hay. Malay ko dun. Pero nakaktuwa lang. Hehe. :))

Kala ko maganda ang umpisa ng araw ko. Oo, nung una. Kumain ako at naligo. Natapos ko din ang komiks na pinagbuhusan ko ng sama ng loob. *ui. pugto ang mata ko pagkagising*

Maganda na sana. Nahulog naman ang FIVE HUNDRED PESOS ko sa tricycle. Pambayad ko sana sa mga sumusunod:
  • 50 kay Jayvee - para sa haircut
  • 100 kay Kim - para sa ibinayad ko kay Khrizzy
  • 50 kay Mae - hiniram ko nung isang araw
  • 100 kay Darlene - pambayad sa bag na inorder ko
  • 150 kay Cecille - para dun sa hiniram ko pa dati
  • 220 kay Faye - para doon sa pinang-SM
  • 150 kay Yvet - fee sa CAS Fair
Amounting to 920 pesos! Ang naka-bold ang dapat kong unang mabayaran :))

Argh!

Andami kong utang at hindi ako nahihiya sabihin ito dahil hindi din naman ako nahiya nung inutang ko ito. Hehe :))

Yan. Wala tuloy ako pambayad. Pakxet! Grr.

Nakakainis. Hay. Wala pa man akong trabaho, baon na ako sa utang. That's life.

LAGOM:
  • Ang wallet ay sagradong bagay.
  • Kaya palang hindi kumain maghapon basta may almusal.
  • Ang clinic ay mainam na tambayan.
  • Mabango ang Zwitsal. *amoy baby, with no more tears formula, hypo-allergenic pa*
  • Umuwi ng maaga dahil masarap sa pakiramdam. Ayos ba? Hehe.

Kung may comments ka sa blog na ito, e-mail me. paelbalbaboco@yahoo.com. Walang violent reactions ha. Huwag mo ipapakita na affected ka sa mga sinabi ko. Ok?

BLOG ng natitirang apo ni pingkaw. Ü

1 comment: