Monday, March 2, 2009

SA COMLAB :3

Alam ko na crush mo siya. Pero anong magagawa mo? Eh, hindi niya ineentertain ang mga ganung bagay. Para sa kaklase ko na anak ng isang teacher. Haha. Sikretong malupit! Walang clue. :))

I waited for about half an hour para makagamit ng PC. And te-neng! Nakagamit na ako. Haha. Kanina pang umaga, wala akong sipag para magsulat. Ang mga GM ko, walang kwenta. Hindi ako productive this day. Argh. Ikaw ba naman ang gumising ng 4:30AM para pumunta ng computer shop. Kailangan ko kasi tapusin yung report namin. And in fairness, successful. Nag-burn din ako ng CD. Wala lang. Para may pakinggan sa bahay.

Speaking of bahay, madaming bago sa bahay. Bagong lagayan ng damit, bagong gawa ang CR, bagong linis ang refrigerator (after two months - courtesy of me Ü).

Kahapon, nagpighati ako. Alam mo kung bakit? Ibinigay kasi sa tita ko yung isang tuta ni Almond. Pagkatapos ko maligo, lima na lang sila. Dapat pala isinama ko sa CR yung isa. Pero wala ako magagawa. Desisyon kasi ni lola, na ibigay sa mga pinsan ko. Sa mga susunod na araw, patuloy ang aking pagpipighati, kasi isa isa na sila ipamimigay. Huhu.

Please! Wag lang si AMOS! Wag lang siya! Wag talaga... - Sabi ni ALMOND (yung aso namin)

LAGOM:
  • Ang treasurer ay maagang naniningil. Aww!
  • Ibalik ang kinuhang Php50 sa wallet ng ating mga ina.
  • Ang sakit ng tiyan ay gutom. Ang sakit ng ulo ay konsumisyon. Ang sakit sa puso dahil sa pag-ibig ay katangahan.
  • Tumulong sa pag-aayos ng mga nagkaalitang magkakaibigan.
  • Ang nanonod habang nagba-blog ka ay dapat pinapatay! Hehe. Love you Jen! :))

Kung may comments ka sa blog na ito, e-mail me. paelbalbaboco@yahoo.com. Walang violent reactions ha. Huwag mo ipapakita na affected ka sa mga sinabi ko. Ok?

BLOG ng natitirang apo ni pingkaw. Ü

No comments:

Post a Comment