Friday, June 19, 2009

A START OF SOMETHING TERRIFIC :3

oyea! ako'y muling nagbabalik. as usual, pasukan na ulit at second year college na ko! ansaya. kasi andami kong ginawang preparations pero walang umepek kahit isa. haha. :))

NP: I GOTTA FEELING - Black Eyed Peas!

dito muna ako.
tambay lang!
and ang ineeeet! sobra. :DDD

apo ni pingkaw.
ANG PAGBABALIK!


Wednesday, April 29, 2009

GOT TIRED OF IT, AT TIMES:3

Hey there! Pansin mo? Minsan na lang ako mag-blog?
Nakakatamad kasi minsan. Tulad ngayon :))

Wednesday, April 15, 2009

SO I'VE BEEN BUSY :3

hey!
still here to blog.

Ilang linggo din akong hindi nakapag-BLOG! Hehe.

NO TIME.
NO MONEY.
NOTHING TO SAY =.=V

That's all!
Grr. :))

BLOG ng natitirang apo ni pingkaw. Ü

Tuesday, April 14, 2009

LETTER OF A FRIEND FOR HIS ONE TRUE LOVE :3

HAPPY BIRTHDAY

“What greater thing is there for two human souls than to feel that they are joined, to strengthen each other, to be at one with each other in silent unspeakable memories.”

— George Eliot

Who is ANDREW? Let me count in many ways. He is a quiet person, but he is someone is cares quietly. He is a very busy person, works day and night for his self and family as well. Andrew is well-mannered; as far as I know him from the day we met.

Bakit ako nandito? Sa palagay ko, may malaking dahilan para gawing espesyal ang araw na ito. Hindi lang dahil magkasama tayo ngayon, ang mga panahon naman kasi na magkasama tayo ay palaging espesyal. Hindi dahil sa gusto lang kitang makita. Hindi lang sa’yo mahalaga ang araw na ito. Sa 23 taon, natiis ng mundo na may isang KRIST ANDREW LICARTE na nakitira sa kanya. In short, HAPPY BIRTHDAY!

Alam ko na madaming nangyari na hindi maganda bago dumating ang araw na ito. Una, nahuli ka at nakuhanan ng lisensya dahil daw sa illegal parking. Pero naisip ko na mas OK na yun, kaysa naman ikaw ang mahuli ko at makuhanan ng ebidensaya na nagpa-parking sa iba! Pangalawa, nawalan ka ng wallet. Naisip ko ulit na OK lang din yun, kaysa naman ikaw ang mawala sa akin. Eh kakayanin mo ban ako ang mawala sa’yo? Ikatlo, talagang kakambal mo na yata ang kamalasan sa mga panahong ito dahil nakabangga ka naman. Pero, as usual, always positive pa rin ang pananaw ko, naisip ko ulit na OK nay un, kaysa naman ikaw ang mabangga at masaktan.

Pero, isa lang naman talaga ang gusto ko ngayong araw na ito! At iyon ay ang mapasaya ka at makita ang iyong mga ngiti sa iyong mga labi. Totoo yun! Kaya smile naman dyan!

Kasi alam mo, mahuli ka man ng pulis, mawalan ka ng wallet o makabangga, nandito lang ako para mahalin ka ng BONGGANG-BONGGA! Dahil di ba? I believe in the saying that “LOVE CONQUERS ALL!” Naniniwala ka ba? Kaya nga kahit naghiwalay tayo dati, eto ulit tayo ngayon, ayaw nang magpaawat.

WISHES KO FOR YOU!!!

  • Good health – dahil mahirap ng magkasakit.
  • Safety – kasi naman, super nag-aalala ako pag nalalaman kong sunod-sunod ang nangyayari sa iyong bad luck.
  • Long life – para magtagal pa tayo!
  • Take away na your bad habits. SMOKING. DRINKING. Kasi naman magwi-wish ako ng Good Health, Safety ang Ling Life, eh may bad habits ka naman, wala ding mangyayari! Di ba?

Always remember na MAHAL NA MANAL NA MAHAL KITA. Period!

HAPPY BIRTHDAY Toy!

FROM JOANNE SAN JUAN PLATON. :))

Wednesday, April 8, 2009

POKER FACE: Acoustic :3

Now playing: POKER FACE pero ACOUSTIC. Ang saya!

Ready na ako for SUMMER! Yun lang. Babawi ako next time. Hahabaan ko ang blog ko. PROMISE!!! :))

Kung may comments ka sa blog na ito, e-mail me. paelbalbaboco@yahoo.com. Walang violent reactions ha. Huwag mo ipapakita na affected ka sa mga sinabi ko. Ok?

BLOG ng natitirang apo ni pingkaw. Ü

Wednesday, March 11, 2009

JUST FOR A DAY :3

Kahit sa isang araw lang, yung tipong wala akong problema. Please. Kailan kaya yun?

Kanina, habang ako eh naggagawa ng ano, sabi sa akin nung kaklase ko...

"Ui. Hindi na ako nakakapagbasa ng blog mo. Alam mobang fan mo ako?"

Talaga? Siyempre, flattered ako. Sobra. Akalain mong dahil sa blog, may fan na ako, kahit isa lang. Hehe. Ang saya! :))

LAGOM:
  • Ang maikling blog ay nangangahulugang tinatamad ang nagsusulat.
  • 500 - 290 = 210. Whew! MATH yun. Haha.
  • Masaya kumain ng yema. Yung langka flavor. At hindi matigas. Hehe.
  • Masaya din mag-download ng kanta. Sobra!
  • Ang kantang 'The Climb' ni Miley Cyrus ay hindi baduy! Haha. XD
Kung may comments ka sa blog na ito, e-mail me. paelbalbaboco@yahoo.com. Walang violent reactions ha. Huwag mo ipapakita na affected ka sa mga sinabi ko. Ok?

BLOG ng natitirang apo ni pingkaw. Ü

Monday, March 9, 2009

IT'S OFFICIALLY SUMMER :3

Hey there! Ang init na ano? *siyempre, bukod sa mga kano at kana, tag-ginaw ata sa kanila [citation needed]*

Well, just want to share this story. Sa kaalaman ng lahat, meron po akong anim na tuta. Well, yung isa eh ibinigay sa mg pinsan ko. Anim silang mga bilot na mababagal ang paglaki. Paano naman kasi yung nanay nila tamad magpa-breastfeed. Hindi ba niya alam na breastfeeding is still best for babies? Anong gusto niya? Formula Milk ang ipapadede sa mga anak niya? Hehe.

Ito po ang pangalan ng anim kong tuta:
  • AMOS - paano eh ang dungis nung black spot sa mukha niya
  • TABINGI - tabingi maglakad at nakataas ang isang tenga tapos yung isa eh nakababa
  • TAMLAY - palaging tulog sa bangkito ni nanay (lola ko.)
  • LIIT - ang burot sa magkakapatid, sobrang liit kahit madaming kumain
  • OUTCAST - siya yung binigay sa mga pinsan ko, makasarili yan, umpisa pa lang *tawa*
  • TAKAW - as the name suggests; super taba yaan
Synopsis: Habang sinusulat ko ang blog na ito, nakalimutan ko ang pangalan ng isa ko pang tuta. Grr. Hehe. (After a day, idinagdag ko na yung isa pa. Sa wakas, naalala ko din! Hehe.)

Mula nung nag-March, 3 times na ako maligo sa isang araw. Isa sa umaga, isa sa hapon, at ang isa, ang pagligo maghapon sa pawis. Grabe. Ako yung tao na may gripo ang balat. Hindi dahil mataba ako, pero dahil nasa lahi namin ang madaling pagpawisan. Sabi naman nung pinsan ko, ang taong madaling pagpawisan ay hindi sakitin. Huh? Eh lagi nga masama pakiramdam ko eh. Ano kaya ang sources niya? Haha. Ang isa sa mga tamang gawin pag bakasyon ay: MAG-INTERNET MAGHAPON AT MAG-YM!!!

Speaking of YM, I was chatting with an old friend while blogging. And here's our conversation:

PhAeL: ei XD

pp: yowyoywoyw

pp: ^__^

PhAeL: zup wi yo laypp?

pp: good good

pp: relieved XD

PhAeL: y?

pp: tapos na exams

pp: etc.etc

pp: konting konting tiis nalang

PhAeL: hehe. gud por yuu XD

pp: how about yu?

PhAeL: moving on XD hehe getting happy with my layp

pp: got a new?

PhAeL: nope. hapi wid bein single.

pp: waw

pp:

pp: ako din, we just broke up last night

PhAeL: sus. yuu? kip ur relationship wid gabby strong ok?

pp: ikaw palang ang unang nakakaalam

pp: ayoko na ipagkalat ehh

pp: i broke up with him

pp: sabi niya mali daw ang ginawa ko. watyooo think>

PhAeL: ayy. late ang reply kow. hehe. gnun? wy? share it with your close friends.

PhAeL: ano b nigawa mu? and bkt kaw nkpgbreak?

PhAeL: in the fisrt place, ano ba ang problem?

pp: kasi he's into alchohol and drugs.

pp: jokee

pp: trash the "drugs"

pp: alchohol na lang

pp: worse thing is, late na siya umuuwi

pp: please keep this a secret

pp: i trust you

PhAeL: he drugs? rily?

pp: nono

pp: alcohol onli

PhAeL: ok. alcohol almost everyday after classes? den go home late? at wat tym/

pp: early na ang 7pm

PhAeL: inaabot ng?

pp: 9pm? 10pm?

PhAeL: from hus house?

pp: friend's

pp: sto tomas pa!

pp: his house is in malvar!

pp: malapit sa LIMA

pp: awt na muna ako

pp: chat wityoo neks time

pp: gegege

pp: ingat ingat

PhAeL: tsk. yuu talk with him first,. ung personal OK?

Yan ang problema sa mga teenagers ngayon! Mga nalululong sa bisyo! Hindi ba nila alam na sila ay gumagawa ng madaming problema sa bayan? Amen? AMEN!!! Hehe.

Well, pinagsasaktan na ng puson itong katabi ko. Next time ulit. :))

*HOY ATE! KUNG INGGIT KA, GUMAWA KA NGA NG SARILI MONG BLOG! HINDI YUNG PATINGIN TINGIN KA SA BLOG KO! Hehe. :)) - para sa babae na nakaupo sa PC 14, sa aking kaliwa.*

LAGOM:
  • Maligo ng maaga para banasin sa hapon.
  • Uminom ng MIDOL bago umalis ng bahay.
  • Kahit walang pasok, mag-pretend na busy sa mga projects.
  • Mag-ipon, mag-ipon, mag-ipon! :))
  • Isa ang sagot sa ating mga problema: Ctrl + Z. Hehe :)) Tama?
Kung may comments ka sa blog na ito, e-mail me. paelbalbaboco@yahoo.com. Walang violent reactions ha. Huwag mo ipapakita na affected ka sa mga sinabi ko. Ok?

BLOG ng natitirang apo ni pingkaw. Ü