Wednesday, February 25, 2009

SO I REALLY HAVE TO BLOG ABOUT IT TODAY :3

Hey. It's me again. :))

I just need to blog about the results of the 81st Oscars. I watched it. Sat on it. And clapped on HUGH JACKMAN'S performances. *he's really good*
  • BEST SUPPORTING ACTRESS - Penelope Cruz
  • BEST ORIGINAL SCREENPLAY - Milk
  • BEST ADAPTED SCREENPLAY - Slumdog Millionaire
  • BEST ANIMATED PICTURE - Wall-E
  • BEST ART DIRECTION - The Curious Case of Benjamin Button
  • BEST COSTUME DESIGN - The Duchess
  • BEST MAKE UP - The Curious Case of Benjamin Button
  • BEST CINEMATOGRAPHY - Slumdog Millionaire
  • BEST SUPPORTING ACTOR - Heath Ledger
  • BEST DOCUMENTARY FEATURE - Man on Wire
  • BEST VISUAL EFFECTS - The Curious Case of Benjamin Button
  • BEST SOUND EDITING - The Dark Knight
  • BEST SOUND MIXING - Slumdog Millionaire
  • BEST FILM EDITING - Slumdog Millionaire
  • JEAN HERSHOLT HUMANITARIAN AWARD - Jerry Lewis
  • BEST ORIGINAL SCORE - Slumdog Millionaire
  • BEST ORIGINAL SONG - Slumdog Millionaire
  • BEST FOREIGN PICTURE - Departures
  • BEST DIRECTOR - Danny Boyle (Slumdog Millionaire)
  • BEST ACTRESS - Kate Winslet
  • BEST ACTOR - Sean Penn
  • BEST MOTION PICTURE - SLUMDOG MILLIONAIRE
Hindi ko alam kung anong meron sa SLUMDOG MILLIONAIRE. Ang alam ko, maganda siya. :))

LAGOM:
  • Kumain ng madami bago umalis sa bahay.
  • Magdala palagi ng ballpen. It's a necessity.
  • It's number 26.. :)) ♥
  • Looking back hurts us so much.
  • Winners are appreciated rather than recognized. Viva MASTERMINDS!
Kung may comments ka sa blog na ito, e-mail me. paelbalbaboco@yahoo.com. Walang violent reactions ha. Huwag mo ipapakita na affected ka sa mga sinabi ko. Ok?

-oOo-
natitirang apo ni pingkaw. Ü

Sunday, February 22, 2009

SET THE EXAMPLE :3

Ang APONIPINGKAW ay isang proud MASTERMIND. Kami ang may pauso ng lahat. :))

Let's define MASTERMIND according to WIKIPEDIA.

Mastermind is another word for genius. Mastermind or Masterminds may also refer to: A small club of like-minded advanced talents who meet periodically for mutual brainstorming/accountability sessions. First defined by Napoleon Hill in Think and Grow Rich.

Yan po ang MASTERMINDS. Haha. Siguro naman alam niyo ang ibig kong sabihin. Di ba?

Kanina, nag-cheerdance competition ang seven teams ng tertiary school sa First Asia. Paano eh INTRAMS. Namely, MASTERMINDS, thurbligz, el nutrix, cook q ters, bit defenders, tycoons and hoteliers. Bakit all caps ang MASTERMINDS? Kasi MASTERMIND din ako. BAComm po. Haha.

Ganito yan. We struddle, they studdle. We roll, they roll. WE split, they split. We hurkie, they hurkie. We set the example and they use our old trashed steps. Wala akong sinabing team. Kaya tamaan ang dapat tamaan. Peace tayo, mga pikon. Haha :))

Just admit it, hindi po ito isang dance competition, o isang beauty contest, cheerdance po ito. Claro?

LAGOM:
  • Huwag pupunta sa isang FUN RUN na hindi kayo registered. Php200 po ang bayad ng late registration.
  • Ang spray net, gel, garter, panty hose at hairpin ay mahal. Aabutin ka ngPhp300 pesos sa pagbili.
  • Magpagupit ng buhok habang maaga. Mahirap na. Matambakan ng ibang customers.
  • Iba ang FIVE GIRLS sa pelikulang HUBAD. *si ate kasi sa VCD rental shop.. :)*
  • Stop listening to the song TONIGHT and THUNDER. Kadiri na! Eew.
Kung may comments ka sa blog na ito, e-mail me. paelbalbaboco@yahoo.com. Walang violent reactions ha. Huwag mo ipapakita na affected ka sa mga sinabi ko. Ok?

-oOo-
natitirang apo ni pingkaw. Ü

Saturday, February 21, 2009

PANYO. ISANG DAAN :3

May napansin kami ni Dex sa araw na ito. Ang daming signs. Si Dex, panyo. Ako, one hundred pesos. Hayy. Ano kaya yun?

Maaga ako pumasok pero hindi pa rin ako naka-attend ng PARADE ng College Intrams. Ambaduy kasi ng t-shirt. Mukha kaming mga factory workers. As in EEEEW! Ganito ang eksena kanina sa compuetr/xerox/ring binding/book binding/kainan shop na pinuntahan namin ni Dex.

Nag-umpisa kami at around 8AM and we ended at around 2PM. Ganoon kami katagal nag-stay dun. *at habang sinisulat ko ang blog na ito, umungol ang tiyan ko.. waa. gutom na ako*

Wala na akong maisulat pa. Nakakatamad kasi ang araw na ito. Sobra. :))

LAGOM:
  • Kumain ng bahay bago umalis.
  • Huwag manood ng horror/suspense film sa YouChoob. :)) Thanks Happy Slip.
  • SPAM, EGG and KUWAKER is the best breakfast.
  • Pay bills!
  • Start your day with registering to unlimited texting para patuloy ang pagganda ng araw. Ha!

Kung may comments ka sa blog na ito, e-mail me. paelbalbaboco@yahoo.com. Walang violent reactions ha. Huwag mo ipapakita na affected ka sa mga sinabi ko. Ok?

-oOo-
natitirang apo ni pingkaw. Ü

Friday, February 20, 2009

WHAT I HATE ABOUT THIS DAY :3

This day is a mess.

I'm telling you!

Hayy. Maaga naman ako nagising pero for some reason (kabaitan at kasipagan), hindi ako naka-attend ng first class. I was shocked nung pumunta ang kaklase ko sa computer shop para sabihin sa akin na lima lang sila sa klase kanina. Paano kaya niya nalaman na nasa computer shop nga ako? Hmm. Some kind of stalkers kaya sila? Hindi naman siguro. *tawa*

Dumating ang second class. Pito lang kami. This time, kasama ako. Third class. Lima kami. Kasama pa din ako. Dapat, 3PM pa ang tapos ng third class. Pero dahil kaunti kami at hindi daw hectic ang lessons (ayon kay teacher...), edi lumabas na kami ng room. Kumain. Naggala. Pumunta ng library. Inantok. Pumunta ng chapel. Binanas. Pumunta ng faculty at doon tumambay.

Tinanong kami ng isang teacher, "Sino hinihintay niyo?"

Sagot namin, "Si Sir C**** po. Parating na."

Pero ang totoo, wala kaming hinihintay. Tapos nagulat kami, dumating nga yung sinasabi naming hinihintay namin. Hahaha. Super tawa kami nina Dex at Maechelle.
Hayy. Dumali pa si Maechelle kay Sir Rupert, pahingi daw ng kape. Ahahahaha. Tawa ulit tayo.

LAGOM:
  • Huwag mag-ulam ng ginataang laing sa umaga. Huwag din paparisan ng pritong isda.
  • Mag-kape. Pampatanggal antok para mas maging productive.
  • Suportahan ang manggagawang Pilipino.
  • Sabihin sa taong kinaiinisan mo na "TAE KA! I HATE YOU!" Hehe.
  • Mag-blog sa susunod na araw pagkatapos i-enjoy ang INTRAMS.

Kung may comments ka sa blog na ito, e-mail me. paelbalbaboco@yahoo.com. Walang violent reactions ha. Huwag mo ipapakita na affected ka sa mga sinabi ko. Ok?

-oOo-
natitirang apo ni pingkaw. Ü

Tuesday, February 17, 2009

WE MUST LEARN THE LESSONS :3

Hi! Eto ulit ako. Nagba-blog. Walang magawa. Exam week namin. Pero madami pa akong projets na dapat tapusin. Nakakabaliw na. Lugaw na utak ko sa mga requirements. Pansin ko lang, may isang bagay na lang akong kailangan sa buhay ko -- PERSONAL COMPUTER. Asar! Ilang taon na akong nangangarap magkaganun. Hayy. Kailan kaya?

Habang sinusulat ko ang blog na ito, I am daydreaming. Ha? OO. Daydreaming. Nangangarap magka-computer sa bahay. Argh. Kailan ba talaga?

Bukas, PHILGOV na lang ang exam ko. Wala akong reviewer! Yun ang catch dun. Paano ako mag-aaral? Paano? Waaaaah! :((

Maingay ang katabi ko ngayon. Tuwang-tuwa sa nilalaro niyang online game. Ano bang nakukuha nila diyan? Nagsasayang lang sila ng oras at pera. Wala naman silang nakukuha dun. Sasakit lang ang daliri nila kakapindot ng keyboard, ang lalamunan nila sa kakasigaw ng "YES! P*** pare! T*** i** talaga! Woooooo! Level up na ako!" Eh ano ngayon? Dapat tinuturuan sila ng leksyon. Hayy.

NOW PLAYING: TALK YOU DOWN - The Script. :)) Saya!

Hoy! Jayvee at Dex! Mag-blog na din kayo. Haha. Amoy binange dito sa computer shop. Well, kailangan ko magtiis. Wala ako magagawa. Tampulan talaga ito ng mga batang kalye. Ligo na lang ako pagkatapos. Hehe. Ganyan ba ako kasensitive? Mayaman! :))

LAGOM:
  • Huwag maglalakad sa kainitan ng araw. Ok? Aba!
  • Ang FILIPINIANA.net ay nagta-time out. Wala itong kwenta.
  • Tandaan, ang BLOGGER.com ay may auto save. *ngayon ko lang napansin*
  • Stop listening to your stomach. lalo na kapag wala kang pera. Gets?
  • Kumopya ng notes. Talo-talo na pag may exam. :))

Kung may comments ka sa blog na ito, e-mail me. paelbalbaboco@yahoo.com. Walang violent reactions ha. Huwag mo ipapakita na affected ka sa mga sinabi ko. Ok?

-oOo-
natitirang apo ni pingkaw. Ü

Saturday, February 14, 2009

THE THING THEY CALL DRAMA :3

Bakit may mga taong mahilig gumawa ng eksena? Nakakainis. Sobra. Hindi ba nila alam na nakakirita sila? *ui. tinamaan yung isa diyan*

May nangyari kagabi na nagbigay ng idea sa akin para isulat ang blog na ito. Kung nababasa ito ngayon ng taong pinariringgan ko, CONCERN lang po! Ayaw ko kasi na madamay ang maraming tao. Alam ko na maiintindihan mo ako.

Kung hindi pa siya 'pinagkaisahan' in a positive way, hindi matutuloy ang pinaghirapan nilang lahat. Alam ko na may nararamdaman siya pero lahat naman sila ay may isinakripisyo. May nawalan ng cellphone, may nagkabukol sa likod, may nagkapasa sa balakang, may nagkapasa sa may pige, talo ang ang na-hazing, may hindi makatalon, may hindi makabangon, may pabalik-balik sa tagahilot. Madami din sila. Hindi lang siya.

Ganito na lang. WE CAN'T AFFORD TO LOSE THE TEAM. Eto pa. YOU COMMITTED, SO BE COMMITTED. Walang urungan. Sabi nga ni Robin Padilla, HUWAG KANG AAYAW! THINK POSITIVE. Minsan, we need to think for the sake of others than ourselves. Tama? Kahit alam natin na hindi na natin kaya, isipin din natin ang ibang tao. May pinaghirapan at isinakripisyo din sila. Ok? Hehe. Peace tayo!

LAGOM:
  • Panatilihing malinis ang PE jogging pants.
  • Huwag magpapaulan. Nakakalagnat.
  • Tumawag pag may kailangan. *Thanks MANONG!*
  • Magdala palagi ng extra t-shirt.
  • Magsuot ng puting polo at puting pantalon. Para striking ang dating paglabas ng bahay. *ui. bagong SURF. haha*

Kung may comments ka sa blog na ito, e-mail me. paelbalbaboco@yahoo.com. Walang violent reactions ha. Huwag mo ipapakita na affected ka sa mga sinabi ko. Ok?

-oOo-
natitirang apo ni pingkaw. Ü

Friday, February 13, 2009

TIME FOR A CHANGE :3

People change. Yes, they do and we don't have control with that. People change to cope up, to adapt, to be 'in', to feel comforted. In Tagalog, LAHAT TAYO, MAGBABAGO.

May kilala ako. Sana kilala mo din siya. Nung una, mabait. Tumagal-tagal, nag-iba. Yumabang. Umere. Humangin. Ganun ang nangyari sa kanya. Huwag mo siyang kakaibiganin. Sinasabi ko sa'yo.

May kilala pa ko. This time, huwag mong i-try kilalanin. *patutugtugin ang THE MAN WHO CAN'T BE MOVED* Sabi niya, friends daw kami kahit anong mangyari. Pero nasaan siya ngayon? Nagyayabang. Kasama ang mga kasinungalingan niya. May tinamaan ba? Tapos, hindi niya pinanindigan ang sinabi niya dati. Na kahit ano daw mangyari, BESPRENS kami. Hayy. Wala din nangyari. *bomb exploded*

Isa pa yan sa mga problema ko. Taong walang isang salita. Madami akong kilalang ganyan. *sumalangit nawa ang kaluluwa nila* Ikaw? May kilala ka? Ipinanalangin mo na ba ang kaluluwa nila? Kung hindi pa, start now. Habang binabasa mo ito, nangako na siya sa isang tao. Then, hindi niya gagawin.

May kilala ako. Sigurado ako, hindi mo siya kilala. Kung kilala mo, maswerte ka. Masyado siyang papansin. Lahat ng bagay, dapat, mayroon siyang suggestions. As if naman, may sense ang sinasabi niya. Tatawa siya pero hindi naman talaga nakakatawa. Ngingibit ka lang sa mga sinasabi niya. *alalahanin si Ka Ernie Baron*

Kala ko kasi, down to earth siya. Down to earth. Down to earth? Ano daw? Ha? Nabingi ata ako dun ah. *tawa muna Joanne - yung thesaurus ko ha! kailangan ko bukas*

LAGOM:
  • Huwag kumain ng ice banana bago mag-INTROIT.
  • Uminom ng maraming tubig. Nakakabaliw ang hindi pag-inom sa loob ng isang araw.
  • Ang CPU na sira ay sira. Ang MOUSE na hindi nagana ay hindi naka-plug.
  • Manood ng mga video clips ni Ka Ernie Baron sa YouTube.
  • Huwag mawalan ng pag-asa. Mag-oopen din ang MS Word Document mo. Tiis tiis lang.
Kung may comments ka sa blog na ito, e-mail me. paelbalbaboco@yahoo.com. Walang violent reactions ha. Huwag mo ipapakita na affected ka sa mga sinabi ko. Ok?

-oOo-
natitirang apo ni pingkaw. Ü