Tuesday, February 17, 2009

WE MUST LEARN THE LESSONS :3

Hi! Eto ulit ako. Nagba-blog. Walang magawa. Exam week namin. Pero madami pa akong projets na dapat tapusin. Nakakabaliw na. Lugaw na utak ko sa mga requirements. Pansin ko lang, may isang bagay na lang akong kailangan sa buhay ko -- PERSONAL COMPUTER. Asar! Ilang taon na akong nangangarap magkaganun. Hayy. Kailan kaya?

Habang sinusulat ko ang blog na ito, I am daydreaming. Ha? OO. Daydreaming. Nangangarap magka-computer sa bahay. Argh. Kailan ba talaga?

Bukas, PHILGOV na lang ang exam ko. Wala akong reviewer! Yun ang catch dun. Paano ako mag-aaral? Paano? Waaaaah! :((

Maingay ang katabi ko ngayon. Tuwang-tuwa sa nilalaro niyang online game. Ano bang nakukuha nila diyan? Nagsasayang lang sila ng oras at pera. Wala naman silang nakukuha dun. Sasakit lang ang daliri nila kakapindot ng keyboard, ang lalamunan nila sa kakasigaw ng "YES! P*** pare! T*** i** talaga! Woooooo! Level up na ako!" Eh ano ngayon? Dapat tinuturuan sila ng leksyon. Hayy.

NOW PLAYING: TALK YOU DOWN - The Script. :)) Saya!

Hoy! Jayvee at Dex! Mag-blog na din kayo. Haha. Amoy binange dito sa computer shop. Well, kailangan ko magtiis. Wala ako magagawa. Tampulan talaga ito ng mga batang kalye. Ligo na lang ako pagkatapos. Hehe. Ganyan ba ako kasensitive? Mayaman! :))

LAGOM:
  • Huwag maglalakad sa kainitan ng araw. Ok? Aba!
  • Ang FILIPINIANA.net ay nagta-time out. Wala itong kwenta.
  • Tandaan, ang BLOGGER.com ay may auto save. *ngayon ko lang napansin*
  • Stop listening to your stomach. lalo na kapag wala kang pera. Gets?
  • Kumopya ng notes. Talo-talo na pag may exam. :))

Kung may comments ka sa blog na ito, e-mail me. paelbalbaboco@yahoo.com. Walang violent reactions ha. Huwag mo ipapakita na affected ka sa mga sinabi ko. Ok?

-oOo-
natitirang apo ni pingkaw. Ü

No comments:

Post a Comment