Friday, February 13, 2009

TIME FOR A CHANGE :3

People change. Yes, they do and we don't have control with that. People change to cope up, to adapt, to be 'in', to feel comforted. In Tagalog, LAHAT TAYO, MAGBABAGO.

May kilala ako. Sana kilala mo din siya. Nung una, mabait. Tumagal-tagal, nag-iba. Yumabang. Umere. Humangin. Ganun ang nangyari sa kanya. Huwag mo siyang kakaibiganin. Sinasabi ko sa'yo.

May kilala pa ko. This time, huwag mong i-try kilalanin. *patutugtugin ang THE MAN WHO CAN'T BE MOVED* Sabi niya, friends daw kami kahit anong mangyari. Pero nasaan siya ngayon? Nagyayabang. Kasama ang mga kasinungalingan niya. May tinamaan ba? Tapos, hindi niya pinanindigan ang sinabi niya dati. Na kahit ano daw mangyari, BESPRENS kami. Hayy. Wala din nangyari. *bomb exploded*

Isa pa yan sa mga problema ko. Taong walang isang salita. Madami akong kilalang ganyan. *sumalangit nawa ang kaluluwa nila* Ikaw? May kilala ka? Ipinanalangin mo na ba ang kaluluwa nila? Kung hindi pa, start now. Habang binabasa mo ito, nangako na siya sa isang tao. Then, hindi niya gagawin.

May kilala ako. Sigurado ako, hindi mo siya kilala. Kung kilala mo, maswerte ka. Masyado siyang papansin. Lahat ng bagay, dapat, mayroon siyang suggestions. As if naman, may sense ang sinasabi niya. Tatawa siya pero hindi naman talaga nakakatawa. Ngingibit ka lang sa mga sinasabi niya. *alalahanin si Ka Ernie Baron*

Kala ko kasi, down to earth siya. Down to earth. Down to earth? Ano daw? Ha? Nabingi ata ako dun ah. *tawa muna Joanne - yung thesaurus ko ha! kailangan ko bukas*

LAGOM:
  • Huwag kumain ng ice banana bago mag-INTROIT.
  • Uminom ng maraming tubig. Nakakabaliw ang hindi pag-inom sa loob ng isang araw.
  • Ang CPU na sira ay sira. Ang MOUSE na hindi nagana ay hindi naka-plug.
  • Manood ng mga video clips ni Ka Ernie Baron sa YouTube.
  • Huwag mawalan ng pag-asa. Mag-oopen din ang MS Word Document mo. Tiis tiis lang.
Kung may comments ka sa blog na ito, e-mail me. paelbalbaboco@yahoo.com. Walang violent reactions ha. Huwag mo ipapakita na affected ka sa mga sinabi ko. Ok?

-oOo-
natitirang apo ni pingkaw. Ü

No comments:

Post a Comment